Lacson, Metro mayor dawit sa bigong kudeta

Idinawit kahapon ng grupong Magdalo si opposition Senator Panfilo Lacson at isang prominenteng alkalde sa Metro Manila sa nabigong kudeta laban sa administrasyon noong Pebrero 24, 2006.

Ito ang ibinulgar kahapon ni PNP-Criminal Investigation Group-National Capital Region chief, P/Sr. Supt. Asher Dolina kaugnay ng patuloy pa ring isinasagawang imbestigasyon ng tanggapan sa nabanggit na nasilat na pagpapatalsik sa gobyernong Arroyo.

Ayon kay Dolina, lumitaw ang pangalan ni Lacson sa isinumiteng affidavit nina Capts. Nathaniel Rabonza at Angelbert Gay na kabilang sa mga naaresto ng mga CIDG operatives sa hideout ng mga ito sa Quezon City.

Idinetalye umano ng dalawa ang mga naging partisipasyon ng senador at hindi muna pinangalanang mayor.

Sa kabila nito ay tumanggi muna si Dolina na isiwalat ang mga nilalaman ng nasabing affidavit nina Rabonza at Gay dahil hindi pa ito naisusumite sa Makati Regional Trial court na siyang humahawak ng kaso ng dalawang junior officers. (Joy Cantos)

Show comments