Ayon sa nakalap na impormasyon, mahigpit na pinagpipilian sa kasalukuyan sina Major Gen. Horacio Tolentino, commander ng Tactical Operations Command na mula sa Class 74 ng Philippine Military Academy (PMA) ; Pedrito Cadungog, PAF staff ng PMA Class 75 at Major Gen. Fernando Manalo, Commander ng Air Logistic Service Command na na-commissioned ng PAF noong 1975.
Maliban sa mga nabanggit ay kasama rin sa mga napipisil si Major Gen. Enrique "Ike" Insierto, commander ng Air Education Command na nakabase sa San Fernando Air Base at mistah rin ni AFP chief of staff Gen. Hermogenes Esperon Jr., ng PMA Class 74.
Napag-alaman na nakatakdang mag-retiro si si Reyes ngayong darating na Pebrero 3 sa pagsapit ng kanyang ika-56 kaarawan na siyang mandatory sa age retirement ng bawat miyembro ng AFP.
Si Manalo umano ang pinapaboran ni Reyes na humalili sa kanyang pwesto, ayon pa sa nakalap na impormasyon.
Inaasahan na sa susunod na mga araw ay ihahayag na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang susunod na PAF chief base na rin sa rekomendasyon ng AFP Board of Generals. (Joy Cantos)