Hanggang ngayon ay bihag pa rin ng armadong grupong MEND ng Nigeria ang anim na Pinoy sa Warri Port ng Delta State.
Nabatid na hinihiling ng mga suspek sa Delta State government na palayain ang nakakulong na dating governor ng Bayelsa State na si Dietreye Alamieyaseigha at ang lider ng Niger Delta Peoples Volunteer Front na si Alhaji Asari-Dokubo.
Nanawagan naman ang DFA sa mga hostage-taker na pakawalan na ang mga Pinoy dahil wala naman silang kinalaman sa gulo.
Ayon kay DFA spokesman Atty. Ed Malaya, inatasan na ni DFA Sec. Alberto Romulo sina vice consul Randy Arquisa at attache Kamalodin Mangis ng Philippine Embassy sa Nigeria na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan doon para sa ligtas na pagbawi sa mga biktima. (Lilia Tolentino/Rose Tesoro)