Manugang na ‘hilaw’ ng Senador, kinursunada ng dalawang Congressmen

Dalawang kongresista na palaging tumatambay sa isang sikat na coffee shop sa may Tomas Morato, Quezon City ang"nanggigil" at nagtangkang i-take-out ang isang teen-ager na napagkamalan nilang pick-up girl.

Ayon sa source, palaging tumatambay sa nasabing coffee shop ang dalawang congressmen at nag-aabang ng mga pick-up girls at GROs na pumapasok sa mga sikat na club sa QC.

"Mga alas-9 noon ng gabi, nakatambay na naman ‘yong dalawang congressmen, tapos pumasok yong teen-ager na may kasama pang dalawang babae na halos kasing edad din niya," anang source.

Bagaman at maganda rin naman umano ang dalawang kasamang teen-ager, mas natipuhan nila ang dalaga dahil may bitbit pa itong teddy bear at sobrang ikli ng suot na short.

Agad umanong tinawag ng dalawang solon ang security guard ng coffee shop upang itanong kung puwedeng ‘ilabas’ ang nasabing teen-ager na may dalang teddy bear.

Nang bumalik ang sekyu ay sinabi nito na hindi puwedeng ilabas ang teen-ager dahil hindi ito pick-up girl at mahilig lang talagang tumambay sa coffee shop.

Makulit umano ang dalawang mambabatas at sinabing itanong kung ‘magkano’ yung babae dahil nakahanda silang magbayad.

"Sabi nong inutusan nila, hindi ho talaga puwede sir kasi anak yan ni_____," anang source. Anak pala ito ng dating sikat na aktres.

Shock ang dalawang solon at tumigil sa kakulitan dahil senador pala ang biyenang ‘hilaw’ ng dalagita. (MEscudero)

Show comments