Ayon kay DILG Sec. Ronaldo Puno, ang dismissal orders ay batay sa kautusan na ipinalabas ni Ombudsman Merceditas Gutierrez at pinabulaanan na may kulay pulitika ang ginawa nilang hakbang.
Niliwanag ni Puno na sakop ng dismissal order ang parusang pagka-disqualify mula sa public office ng mga nabanggit at hindi rin pinapayagan ng batas ang mga dinismis na opisyal na mag-file ng kanilang kandidatura para sa darating na eleksiyon.
Si Gov. Tupas ay inalis dahil sa kasong graft kaugnay sa pondong inutos niyang ipalabas para sa isang seminar na hindi naman naganap. "He released the check to a person instead of an organization," sabi ni Puno.
Si Esquivel ay nadismis dahil sa iligal na pagsibak sa mga empleyado ng water district.
Nag-ugat naman ang kaso ni Trinidad sa maanomalyang kontrata sa basura. Sinibak din ang kanyang vice mayor at 11 konsehal.
Kahapon ay ikinasa na rin ng pamunuan ng DILG ang preventive suspension kay Batangas Governor Armand Sanchez.
Ang suspension kay Sanchez ay nag-ugat naman sa graft charges na isinampa ni Batangas Vice Gov. Ricky Recto noong 2004 na may kaugnayan sa P350-million computerization program na hindi umano dumaan sa public bidding.
"Let me make it clear that the DILG is merely the implementor of these dismissal orders which did not originate from our department but from the Office of the Ombudsman..we are merely following the Ombudsman orders," ani Puno.
Nitong nakaraang linggo, inutos ni Puno ang pagsuspinde kina Mamburao, Occidental Mindoro Mayor Joel Panaligan; Aguilar, Pangasinan Mayor Ricardo Evangelista at Vallehermoso, Negros Oriental Mayor Joniper Villegas.