Senado dapat managot sa "loopholes" sa VFA

 Dapat na managot ang Senado sa anumang ‘loopholes’ sa Visiting Forces Agreement (VFA) dahil ito umano ang nagpatibay sa nasabing kasunduan.

Ito ang ipinahayag ng grupong Aksyon Sambayanan at kailangan na umanong muling pag-aralan ang VFA sa pagitan Pilipinas at United States upang maitama ang anumang kamalian o kalituhan dito.

Ayon pa sa grupo na ang mungkahing ito ng Malakanyang ay upang maging maayos na ang kontrobersiya na kinasasangkutan ng rape convict na si Daniel Smith.

Ayon sa ilang US officials na nakasaad sa probisyon ng VFA na maaari umanong nilang makuha ang kustodiya kay Smith kaya’t puwede nilang kuwestiyunin ang naging desisyon ni Makati Judge Pozon na manatili ang sundalo sa Makati City Jail.

"The case involving Nicole has brought to the forefront the ambiguities and the weaknesses of the agreement. It’s high time to review the VFA," ayon kay Beth Angsioco, AkSa secretary general.

Ani Angsioco, ang pagre-review sa VFA ay nangangahulugan lamang na pursigido ang pamahalaan na protektahan ang kalayaan ng bansa. (Doris Franche)

Show comments