Ayon kay James Jimenez, spokesman ng Comelec, siguradong mga "nuisance candidates" ang bubulaga sa kanila at kalimitan sila rin ang nauunang mag-widraw ng kandidatura at nadidismis dahil hindi sila qualified.
Wala naman umanong magawa ang Comelec dito dahil karapatan nila ito at hindi nila ito maaaring labagin.
Kaugnay nito, ipatutupad na rin ng Comelec ang gun ban sa buong bansa ngayong Linggo, Enero 14.
Dahil dito, dumagsa na ang nag-aplay ng exemption sa Comelec partikular ang mga pulis.
Bukod dito, mahigpit na ring ipinagbabawal ang pagsusupinde sa mga opisyal ng gobyerno at ang pagsasagawa ng mga public works tulad ng kalsada at anumang uri ng infrastructure.
Bawal na rin ang maglipat at tumanggap ng mga bagong empleyado ang gobyerno upang mabigyan ng pantay-pantay na karapatan ang bawat isang kandidato. (Gemma Amargo-Garcia)