Ayon kay Puno, nagpalabas ang Ombudsman ng memorandum sa mga department heads na agad na ipatupad ang desisyon kung saan nakasaad na wala nang dapat pang pag-usapan hinggil sa suspensiyon nito.
Matatandaang inutos ng Ombudsman noong April 7, 2006 na bakantihin ng gobernador ang puwesto nito, dahilan para magsampa ang huli ng petition for certiorari sa Supreme Court.
"We are faced with a situation where the Ombudsman had issued a memorandum circular and a letter couched in general terms, saying that there is no more legal impediment to carry out the suspension order against Governor Maliksi," ani Puno.
Bagaman wala pang sagot ang SC sa petisyon ni Maliksi, sinabi ni Puno na kailangan ng maipatupad ang preventive suspension dahil kung hindi umano nila ito ipatutupad ay posibleng makasuhan sila ng dereliction of duty.
Una nang nag-isyu ang Ombudsman ng preventive suspension laban kay Maliksi noong Agosto 15, 2005 kung saan inatasan din nito ang DILG na ipataw ang suspensiyon.
Gayunman, pansamantalang hindi ipinataw ng DILG ang suspension dahil hinihintay pa ang sagot ng SC sa motion for reconsideration na inihain ni Maliksi sa SC.
Sa reklamo ni Remulla, maanomalya umano ang pagbili ng bigas dahil hindi dumaan sa anumang public bidding.
Habang isinusulat ang balitang ito ay sinasabing nanumpa na bilang acting Governor ng Cavite si Remulla.