Ito ang inihayag kahapon ni Western Mindanao Command (WESMINCOM) Commander L/Gen. Eugenio Cedo sa isang ambush interview.
Sinabi ni Cedo na ang nasabing mga JI terrorist ay nanggaling umano sa Cotabato at ngayoy nagtatago sa nasabing lalawigan, kaya sinelyo na ng militar ang kapaligiran ng Sulu.
Ang nabanggit na JIs ay bahagi ng unang napaulat na 30 dayuhang terorista na namataan sa isang ilang na bahagi ng Central Mindanao, na pinaniwalaan nagsasanay ng mga bagong kasaping bandido sa paggawa ng mga high explosive bombs at mga kasanayan sa terorismo.
Base sa intelligence findings, lumitaw na noong 2005, mula sa lalawigan ng Cotabato ay nakarating sa Sulu ang naturang 10 JIs upang suportahan ang ASGs na tila nababalaho na sanhi ng ginagawang mainitang opensiba ng militar laban sa kanila. (Cesar Cezar/Joy Cantos)