Ito ang inihayag ng abogado ni Trillanes na si Atty. Reynaldo Robles kaugnay sa pagsabak ng Magdalo leader sa halalan sa Senado sa darating na Mayo.
Ayon kay Robles, uunahin ni Trillanes na itaas ang subsistence allowance ng mga sundalo sa P150 bawat araw mula sa kasalukuyang P60 bawat araw.
Nais din aniya ng batang sundalong Magdalo na itaas ang combat duty pay ng mga Marines at Army ground troops sa 25 percent ng kanilang base pay mula sa kasalukuyang P240 bawat buwan.
Ang kasalukuyang base pay ng isang private sa AFP ay pumapatak lamang sa P6,000.
Bukod pa dito, nauna nang inihayag ni Trillanes sa pamamagitan ng internet ang mga plano nitong pagbabago at mga panukalang nais isulong sakaling sya ay palarin sa pagka senador, lalo na ang mga usapin ukol sa sundalo.
Ayon sa kanyang "Proposed legislative agenda," seryoso nitong isusulong ang isang tunay na modernisasyon sa AFP na makakasapat sa pangangailangan ng organisasyon at ng bansa.
Nais din ni Trillanes na bawasan ang mga heneral sa AFP upang mabawasan ang gastusin sa mga opisyal ng military at magamit ang pondo sa mas importanteng bagay.
Bukod sa mga usaping pang-sundalo, kabilang din sa kanyang mga proposed legislations ang pagsugpo sa katiwalian, paglaban sa kahirapan, pagpapabuti sa peace and order, at iba pa na may kaugnayang sa edukasyon, kalusugan at social services. (Doris Franche)