Ito ang lumilitaw sa follow-up investigation ng Task Force Bersamin matapos na iharap ang statement ng mga empleyado ng Juno Cars sa Ortigas kung saan binili ni Valera ang kanyang silver Chevrolet Suburban noong Nob. 30, 2006.
Ipinaliwang ni Traffic Management Group chief Sr. Supt. Benjamin delos Santos na nabili ni Valera ang nasabing sasakyan kung saan kasama nito si Dupo na dati ring Vice Mayor ng La Paz, Abra at isang nagngangalang Hergeline Dimaguiba.
Ayon kay delos Santos, Nob. 28, 2006 nang magbigay ng down payment na P20,000 si Valera para sa sasakyan hanggang sa maaprubahan ito ng UMC Finance and Leasing Corp. noong Nob. 30, 2006 at bayaran ng gobernador noon din ang naturang luxury cars ng P1.695 milyon kasama ang apat na kalalakihan at isang babae na kamukha ni Dimaguiba.
Dahil dito sinabi naman ni Chief Supt. Jesus Verzosa, hepe ng TF Bersamin na posibleng ang tatlo pang kasama ni Valera nang mahuli ang suburban nito ang siyang kasama nito sa pamamaslang kay Bersamin at sa mga nauna pang pamamaslang sa iba pang opisyal ng Abra.
Kasalukuyan ding sumasailim sa ballistic test ang mga nakuhang baril sa gobernador sa baril na ginamit kay Bersamin kamakailan.
Samantala, magsasampa din ang TMG sa korte ng hold departure order laban kay Valera upang hindi makalabas ng bansa kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa Bersamin killing.
Kamakalawa ay nagpiyansa si Valera ng P310,000 para sa limang kaso ng illegal possession sa QC Regional Trial Court. (Doris Franche)