Ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Joel Virador, tanging sa mga top-level government executives lamang papabor ang 10% increase sa sahod at hindi sa mga empleyadong kumikita lamang ng mahigit sa P5,000 isang buwan.
Kung matutuloy ito, mahigit P500 lamang ang madadagdag sa sahod ng Salary Grade 1 na empleyado ng gobyerno na kumikita ng P5,082 kada buwan, na sobrang malayo sa P16,900 monthly cost of living na dapat kitain ng isang empleyado.
Ayon pa kay Virador, ang Government Compensation and Classification Act (GCA) ay maliwanag na paborable lamang sa mga top-level government executives at hindi sa mga rank and file employees na nasa clerical, administrative, technical at iba pang posisyon na may lower salary grades. (Malou Escudero)