Ayon kay Abalos, wala na ring panahon pa para magkaroon ng extension ang registration na magtatapos bukas, Dis. 31, 2006 ng hanggang alas-5 ng hapon.
Ayon sa Comelec, ugali na umano ng mga Pilipino na kung kailan huling araw ng rehistrasyon ay saka magpaparehistro kaya nagdudulot ng matinding siksikan sa mga tanggapan ng Comelec.
Nilinaw naman ni Abalos na umabot na sa 2 milyon ang nagparehistrong mga bagong botante at inaasahan namang aabot ito ng 4 milyon na kanilang target na magpaparehistro hanggang sa katapusan ng buwan.
Samantala, kahapon ay halos daan-daang magpaparehistro ang nagtungo sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros kaya napilitan ang mga ito na humingi ng tulong sa lokal na pamahalaan upang maipasara ang kalsada na dinadaanan ng mga tao upang hindi magkagulo.
Inaasahan naman ni Abalos na sa kabila ng pagkakaroon ng siksikan ng tao ay magiging maayos pa rin ito at magtatapos ang rehistrasyon ng maayos at mapayapa. (Gemma Garcia)