Ayon sa report ni Cordillera Police Director C/Supt. Raul Gonzales, dakong 12:30 ng madaling araw ng biglang sumulpot sa bakuran ni Dolores Mayor Albert Guzman ang mga suspek at binuhusan ng gasolina ang pintuan ng bahay nito na nasa Bgy. Zone 7, Bangued. Hindi pa nakuntento ay tinadtad ng bala ang bahay. Masuwerte namang walang napahamak dahil walang tao sa naturang resthouse ni Guzman.
Si Guzman ay sinasabing bayaw at kilalang kaalyado ni Abra Vice Gov. Vicente Valera, na kalaban naman umano sa pulitika ng pinaslang na si Bersamin.
Iginiit naman ni Valera na hindi niya kalaban sa pulitika si Bersamin kahit magkaiba sila ng partido.
Aniya, posibleng iisa lamang ang grupo na responsable sa pamamaril sa bahay ni Guzman at pagpatay kay Bersamin. Ipinaliwanag ni Valera na bago maganap ang pamamaslang kay Bersamin nakatanggap siya ng banta na susunugin ang kanilang ancestral house sa Abra.
Sa kabila nito, hindi naman inaalis ng pulisya ang posibilidad na kagagawan ito ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) dahil ang nasabing lugar ay kilalang balwarte ng komunistang grupo. (Joy Cantos/Doris Franche)