Si Provilyn Mission, pangatlo sa limang magkakapatid ay magtatapos sa susunod na taon sa kursong edukasyon sa University of Negros Occidental Recoletos.
Pangarap ni Mission na maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya, maitaguyod ang pag-aaral ng kanyang mga kapatid at makapagturo sa publikong sekondaryang paaralan sa kanilang lugar upang mapunan ang kakapusan ng mga nagtuturo.
Isa sa mga prayoridad ni Cong. Arroyo na tulungan ang kanyang mga botante na umunlad ang kabuhayan sa pamamagitan ng libreng edukasyon na maipagkakaloob nito sa mga gustong makatapos ng pag-aaral.
Sa taong ito, naglaan si Cong. Arroyo ng isang milyong piso hango sa kanyang congressional funds upang tustusan ang matrikula ng kanyang mga iskolar na naka-enroll ngayon sa ibat ibang kolehiyo at unibersidad sa Negros Occidental. (Malou Escudero)