Ayon kay dating senador Ernesto Maceda, tagapagsalita ng UNO, pasado si Trilllanes sa kanilang criteria upang mapasama sa mga pambato ng oposisyon.
Sinabi ni Maceda na sa Enero 15 na nila ilalabas ang kanilang line-up kung saan ibabase ang kuwalipikasyon ng mga taga-oposisyon sa performance, resources at higit sa lahat ay may paninindigan laban sa mga patakaran ni PGMA.
Dahil dito, sinabi ni Maceda na hindi makukuwestiyon ang kredibilidad ni Trillanes matapos na matapang niyang pamunuan ang protesta ng ilang sundalo sa Oakwood noong 2003.
Iginiit ni Maceda na malaking bagay para sa oposisyon ang isang tulad ni Trillanes na hindi natatakot lumaban kahit pa nakakulong ito sa ngayon. (Doris Franche)