Sinabi ni Constantino na hinihikayat siya ng kanyang mga kaibigan na magsampa ng kasong "slander by deeds" laban kay Agustin.
Ayon pa kay Constantino, maraming text message ang kaniyang natanggap na nagpapahayag nang pagsuporta sa kaniyang ginawa.
Matatandaan na tahasang sinabi ni Constantino kay de Venecia at sa nasa 30 kongresistang dumalo sa press conference na "rapist" ng Konstitusyon ang mga ito dahil sa paggigiit na amiyendahan ang 1987 Constitution.
Balewala umano ang ginawa niyang pagbulalas ng damdamin kontra sa Cha-cha kumpara sa ginagawang pambabastos sa Konstitusyon ng mga kongresista.
Sa isang hiwalay na panayam, sinabi naman ni Agustin na posibleng magka-ayos pa rin sila ni Constantino dahil na rin sa mga "common friends" nilang dalawa.
Sinabi rin nitong posibleng buhusan din siya ng tubig ni Constantino sa kanilang pribadong pag-uusap.
Ginawa lamang umano niya ang nasabing hakbang (pambubuhos ng tubig) upang payapain si Constantino noong Sabado ng umaga.
Samantala, sinuspinde muna ng Inquirer ang kolum ni Agustin bunsod ng away nila ni Constantino. (Malou Escudero)