Sinabi ni Rep. Baterina sa nakaraang oral argument sa Korte Suprema sa pamamagitan ni Atty. Jose Bernas na hindi umano dapat bayaran ng gobyerno ang PIATCO matapos ideklara ng SC na ilegal ang kontrata nito at nilabag ang ilang batas.
Wika pa ni Baterina, sa US ay ibinabasura lamang ang kahilingan ng sinumang contractors kapag napatunayan na ilegal ang kontrata nito kahit nakinabang ang gobyerno dito.
Nagtataka din ang kongresista kung bakit ang laki ng takot ng gobyerno sa PIATCO.
Payag naman si Baterina na bayaran ang nagastos ng PIATCO sa pagpapatayo sa NAIA terminal 3 pero hindi ang kabuuan ng konstruksyon nito. (Grace dela Cruz)