Ayon kay Labor Undersecretary Antonio Sudusta, umaabot na sa apat na milyon ang mga kabataang nagtatrabaho na mayroong edad 5-15 taong gulang at 3 hanggang 4 na bata ay nagsisilbi bilang mga unskilled workers.
Lumalabas din sa pag-aaral na 2.4 milyon ng kabuuang 4 milyon ay mayroong worst form of child labor gaya ng mining, pyrotechnic materials, forestry, child domestic at sexual exploitation.
Nakikitang dahilan ng DOLE ang matinding kahirapan kaya maging ang mga magulang ng mga bata ay pumapayag na pagtrabahuhin ang kanilang mga anak kahit na sa murang gulang pa lamang.
Bunsod nito kaya inilunsad ng DOLE ang "Sagip Bata Manggagawa" program na naglalayong masolusyunan ang lumalalang child labor. Nakipag-ugnayan na rin ang DOLE sa mga inter-agency action mechanism na binubuo ng DSWD, PNP at NBI. (Gemma Amargo-Garcia)