Atong puwede nang bisitahin sa NBI

Pinayagan ng National Bureau of Investigation (NBI) na makatanggap na ng bisita si Charlie "Atong" Ang habang nakadetine ito sa ahensiya.

Tulad ng ibang nakakulong, maaaring tumanggap si Ang ng bisita tulad ng kanyang mga kaanak at abogado sa pagitan ng alas-10 ng umaga haggang alas-5 ng hapon. Nabigyan rin si Ang ng karapatan kung sino sa mga bisita ang tatanggapin nito at kung sino ang hindi haharapin.

Dapat umanong kumuha muna ng permiso ang sinumang nais dumalaw kay Ang kay Director Ruel Lasala, hepe ng NBI-National Capital Region bago payagan na makaharap si Ang.

Kasalukuyang nasa kustodya ng NBI-NCR si Ang kung saan nananatili ito sa ‘air-conditioned’ na kuwarto ng ahensiya sa halip na sa detention cell. (Danilo Garcia)

Show comments