Kinumpirma ni Department of Justice (DoJ) Secretary Raul Gonzalez na kinanta na ni Ang ang mga pangalan ng mga pulitikong dapat managot sa pagkawala ni Bentain matapos ang mahigit isang oras na closed door na pakikipag-usap dito.
Gayunman, tumanggi muna ang kalihim na banggitin ang mga pangalan ng mga pulitiko at kailangan pang magsagawa ng imbestigasyon upang makumpirma ang mga sinasabi ni Ang.
Aniya, handa rin si Ang na magsumite ng affidavit hinggil sa involvement ng mga pulitikong kanyang binabanggit.
Si Bentain, 25, anak ng isang chief of police ng UP Diliman, Quezon City, ang pinaghihinalaang nagpuslit sa kampo ni Manoling Morato ng September 15, 1996 video footage ni Estrada habang naglalaro ng baccarat kasama si Ang at iba pang kaibigan sa Silahis Hotel, Roxas Blvd., Maynila.
Ayon sa testigong si Ador Mawanay, si Bentain ay dinukot ng mga tauhan ng dating Presidential Anti-Organized Crime Task Force o PAOCTF na dating pinamumunuan ni Sen. Panfilo Lacson. Dinala aniya sa Pampanga si Bentain, pinatay, inilagay sa drum at saka sinemento ang nabanggit na drum.
Ilang pulis naman ang sangkot sa umanoy pagpatay sa robbery-murder suspects noong 1995 na pawang miyembro ng Kuratong Baleleng.