Trillanes ipapalit kay Gringo

Pinaboran ni Sen. Alfredo Lim ang pagpasok ni Magdalo leader Lt. Senior Grade Antonio Trillanes III bilang kapalit ng nagtatagong si dating Sen. Gringo Honasan sa line-up ng oposisyon sa darating na senatorial race. Ayon kay Sen. Lim, siguradong tatanggapin ng kanyang mga kasamahan sa oposisyon si Trillanes dahil na rin sa ipinakita nitong paglaban sa katiwalian ng gobyerno.

Maging ang kampo ni dating Pangulong Erap Estrada ay handang kunin si Trillanes sa extended line-up ng oposisyon kapalit ni Honasan na nagtatago hanggang ngayon. Magugunita na inalis sa senatorial line-up ng kampo ni Erap si Sen. Panfilo Lacson dahil mas interesado raw itong tumakbo bilang alkalde ng Maynila. (Rudy Andal)

Show comments