BOMB handbooks sa mga bgy. captain

Mamamahagi ang Department of Budget ng BOMB handbooks (Budget Operations Manual for Barangays) para matuto ang mga barangay chairman ng mahusay na pagpaplano at "budget accounting" ng kanilang pondo.

Ayon kay Budget Secretary Rolando Andaya, nagpalimbag ang DBM ng mga handbook para sa 41,972 barangay na naglalaman ng 150 pahina tungkol sa mga hakbang sa maayos na proseso ng budget sa mga barangay.

Nakapaloob din sa handbook ang pagtukoy sa pagkukunan ng pondo sa kanilang proyekto at responsableng pananagutan sa maayos na paggastos ng pondo. (Lilia Tolentino)

Show comments