Pagpapadala ng OFWs sa Kazakhstan sinuspinde

Tigil muna ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Kazakhstan dahil sa patuloy na riot sa pagitan ng mga Kazakhs national at Turkish.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos Jr., ang pagsuspinde sa proseso at deployment ng mga OFWs ay epektibo kahapon at magtatagal hanggat hindi naibabalik sa normal ang sitwasyon sa nasabing bansa.

Sinabi ni Conejos na mula noong maganap ang riot noong Oktubre 20 sa loob ng refinery oil ay natatakot nang pumasok sa kani-kanilang mga trabaho ang mga Pinoy dahil idinadamay sila at pinag-iinitan ng mga Kazakhs.

Sa ngayon aniya ay hindi pa umano kailangan na iuwi ng bansa ang tinatayang 500 OFWs na pawang nagtatrabaho sa oil drilling project. (Mer Layson)

Show comments