Ibinase ni Marcos ang kanyang pagbubunyag sa October 2006 official report ng Citizens Action Against Crime (CAAC) at Movement for Restoration of Peace and Order.
Sinabi ni Marcos na nakakabahala ang ulat ng CAAC, ang anti-crime watchdog na pinamumunuan ni Teresita Ang-See.
Maliwanag aniya na isinantabi na ng administrasyon ang all-out war laban sa KFR syndicates kaya marami na namang nabibiktimang mga Filipino Chinese lalo na sa Metro Manila at Mindanao.
Noon lang nakaraang linggo, ipinagmalaki ni PNP Dir. Gen. Oscar Calderon na bumaba ang street crimes sa Metro Manila at ang kaso ng kidnapping ay nabawasan ng 50 porsiyento. Pero sinabi ni Marcos na sa Metro Manila pa rin may pinakamaraming insidente ng kidnapping kung saan 28 kaso ang napaulat. (Malou Escudero)