Ang paunang donasyon na P5 milyon ay ipinagkaloob ni Jimenez kay Army chief Lt. Gen Romeo Tolentino sa punong tanggapan ng Army sa Fort Bonifacio.
Ayon kay Army Spokesman Major Ernesto Torres Jr., ang nasabing halaga ay gagamitin sa pagbibigay ng suporta sa Kawal Kalinga Project site sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija.
Makikinabang sa naturang halaga ang mga sundalong may malaking naiambag sa bansa na hindi nakapagtayo ng sariling bahay.
Sa kasalukuyan, ang Kawal Kalinga project ay nangangailangan ng pondo dahil ang pagpopondo rito ay karaniwang nanggagaling sa mga principal sponsor ng programa kaya malaki anya ang halagang naipagkaloob ni Jimenez sa Army.
Ayon kay Jimenez, patuloy ang kanyang paglilibot sa ibat ibang sulok ng bansa upang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap. Iginiit pa ni Jimenez na hindi kailangang maging isang pulitiko para tumulong sa kapwa. (Joy Cantos)