Ayon kay Cayetano, kapansin-pansin na hindi patas ang trato ng administrasyon sa mga opisyal na may kinakaharap na kaso dahil palaging nauunang hatulan ang mga kakampi ng oposisyon.
Nahaharap din sa kasong graft ang mga kaalyado ng administrasyon na sina Metropolitan Manila Development Authority Bayani Fernando, Manila Mayor Lito Atienza, Pasig Mayor Vicente Eusebio at iba pang alkalde sa Metro Manila subalit hindi pa ito naaaksyunan.
Kaugnay nito, sinabi ni House Minority Leader Francis Escudero na kapit-bisig nilang lalabanan ang panggigipit ng Malacañang. Isa umanong harassment ang ginawang pagsuspinde kay Binay na isang kilalang kritiko ng administrasyon.
Sinabi rin ni Senate Majority Leader Francis Pangilinan na lalo lang magkakawatak-watak ang ating bansa sa pagpataw ng suspensiyon laban sa mga alkalde na kontra sa pamahalaan ni Arroyo kaya mas maigi umanong pag-isipan muna ang pagsuspinde kay Binay. (Malou Escudero/Rudy Andal)