Ayon kina Dean Danilo Farinas ng University of Baguio at Dean Hermogenes Decano ng University of Pangasinan, maging ang mga law practitioners ay nagkaisang nagsabi na ang salitang "amend" at "revise" ay nangangahulugan ng "changes."
Anila, maging sa US Federal Constitution na pinagkopyahan ng Philippine Constitution ay walang sinabi na ang salitang revision ay iba sa amendment.
"In the minds of the people at large, to amend or to revise means to "change." There is no strict technical distinction whatsoever between an amendment and a revision with respect to the nature and extent of the changes," ani Farinas .
Ang Sigaw ng Bayan at ULAP ay nagsampa ng petisyon sa ngalan ng 6.3 milyon pirma na nag-endorso para amyendahan ang Konstitusyon. (R.Andal)