Gutierrez pinagpapaliwanag ng Palasyo

Hiniling kahapon ng Malacañang kay Ombudsman Merceditas Gutierrez na magpaliwanag ito sa publiko kaugnay sa kontrobersyal na pag-abswelto sa mga opisyal ng Commission on Elections at Mega Pacific Consortium na sangkot sa pagbili ng automated counting machines.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, hindi gusto ng Palasyo na makialam sa usaping ito pero dahil sa pilit na isinasangkot ang Malacañang sa naging desisyon ay makakabuting gumawa ng paglilinaw ang Ombudsman.

Dumating sa bansa si Gutierrez kamakalawa mula Switzerland at nakahanda naman itong magpaliwanag sa publiko kaugnay sa naging desisyon ng Ombudsman sa pag-abswelto sa mga Comelec officials. (Lilia Tolentino)

Show comments