Sa 10-pahinang Joint Decision na ipinalabas ni Associate Justice Edilberto Sandoval, division chairman, ibinasura ng korte ang apela ni Fabro matapos itong mabigo na magpakita ng mga bagong ebidensiya habang isinasagawa ang trial sa kanyang motion for reconsideration.
Apat na beses na binigyan nang pagkakataon ng korte si Fabro at kanyang abogadong si Fautisno F. Tugade Sr. pero hindi nila ito sinamantala.
Si Fabro ay kinasuhan matapos matuklasan ng mga government auditors na dalawang beses na nagkulang ang kanyang koleksiyon na nagkakahalaga ng P35,146.62 at P39,421.30.
Inutusan rin ng korte si Fabro na magbayad ng multa na katumbas nang nawawalang halaga at bayaran rin ang gobyerno kasama na ang legal interest.
Sa depensa ni Fabro, sinabi nito na nawala ang pondo matapos siyang mapilitang mag-leave of absence mula Setyembre 23, 1986 hanggang Abril 16, 1987 dahil sa isang seryosong vehicular accident.
Nang bumalik umano siya mula sa mahabang bakasyon, natuklasan niya na ipinautang ng kanyang unofficial substitutes sa kanilang mga ka-opisina ang salapi bilang "emergency loans".
Ang dapat aniyang kasuhan ay ang kanyang mga substitutes, pero hindi naman siya nakapagpakita ng ebedensiya sa korte upang patunayan ang kanyang depensa. (Malou Escudero)