Ayon sa IIC, (President Tower, #81 Timog Avenue, Quezon City) ang nag-iisang tagagawa ng orihinal na Khaos Super Gas Saver na likha ni Mr. Pablo Planas, hindi rin sila basta-basta tumatanggap ng mga aplikante mula sa ibang bansa, ito ay dumadaan din sa masusing pagbabalangkas at beripikasyon ng bawat requirements at kakayanan ng aplikante.
"Kailangan ay maipakita nila na sila ay may kakayanan na maging dealer o kaya distributor sa ibang bansa," ayon kay Planas, dagdag pa niya na dapat ay may kinalaman sa makina, car parts at iba pang kaugnay na negosyo.
Sa kasalukuyan, mayroon dealers at distributors sa 21 bansa ang Khaos at nagtala na ng halos 10,000 benta sa loob lamang ng halos dalawang taong operasyon.
Ang IIC Khaos Super Gas Saver expert mechanics sa Pilipinas ay ang nagsasagawa rin ng kaukulang pagsasanay sa lahat ng mekaniko sa ibang bansa.