Sinabi ni Gen. Esperon, hindi hadlang ang Ramadan para tugisin ng pamahalaan ang mga miyembro ng ASG na posibleng magsamantala pa nga sa sitwasyon.
Aniya, iginagalang ng AFP ang Ramadan ng mga kapatid nating Muslim subalit hindi ito hudyat para itigil ang pagtugis sa mga kalaban ng gobyerno partikular ang ASG.
Nanumpa si Esperon sa Palasyo kasama ang ibang opisyal ng AFP kahit hindi pa ito nakakapasa sa nominasyon ng Commission on Appointments (CA).
Nilinaw naman ni Executive Secretary Eduardo Ermita na hindi si Esperon ang unang chief of staff ng AFP na nanumpa sa tungkulin pero hindi pa nakukumpirma ng CA.
Aniya, si dating AFP chief Lisandro Abadia ay nanumpa noon bilang AFP chief of staff sa ranggong 2 star kahit hindi pa pasado sa CA. (LTolentino)