Aniya, kabilang sa programa ay ang patuloy paglilinis sa lahat ng barangay sa lungsod, pag-trap sa mga lamok, pamimigay ng information and educational materials at paglalagay ng iba pang pangontrol sa pagdami ng lamok sa mga kanal at estero.
Sinabi rin ng alkalde, ang fogging operation ay hindi solusyon sa pagpuksa sa dengue dahil itinataboy lamang nito ang mga lamok na may dalang dengue sa halip na patayin ang mga ito upang hindi na makapaminsala.
Ang tagumpay ng programa ay nakasalalay sa mga makikipagtulungan na residente ng lungsod.
Ang dengue ay isang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na gumagala sa umaga. Ilan din sa mga sintomas ng sakit na dengue ay ang pagsakit ng ulo, pananakit ng katawan at kasu-kasuan, pagkakaroon ng mapupulang butlig sa katawan at pagdurugo ng ilong at ngala-ngala.