Mga katayan sa Caloocan binabantayan vs double-dead meat

Pinaigting ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang pagsasagawa ng malawakang inspeksiyon ng lahat ng mga karne sa lahat ng katayan sa lungsod upang maiwasan ang pagbebenta ng mga "double-dead" meat.

Ayon kay Echiverri, ang City Veterinary Office (CVO) ay patuloy na nagmo-monitor sa operasyon ng mga slaughterhouse upang masiguro ang kalidad ng mga karneng ibinebenta sa lahat ng palengke sa lungsod.

Sa rekord ng CVO, mula Agosto 28-Set. 3, 2006 ay umaabot na sa 2,544 baboy ang nainspeksiyon sa mga slaughterhouse. Maging ang mga karne ng manok na ibinebenta sa mga palengke ay ipinapa-inspeksiyon din.

Nagbibigay ang CVO ng libreng konsulta sa mga residenteng may-alagang hayop sa buong lungsod at libreng bakuna.

Show comments