Ginawa ni Pimentel ang panibagong hamon sa PNP matapos aminin ni PNP spokesman Samuel Pag-dilao Jr. na muling namamayagpag ang jueteng opera-tions sa Luzon kung saan ay ginagamit daw ng mga gambling lords ang legal na Small Town Lottery (STL).
Aniya, ang dapat gamiting batayan ng pulisya sa pagsasampa ng kaso ay ang Republic Act 9287 o Anti-Jueteng Law na kung saan ay mas mataas ang multa at parusa sa mga gambling lords at mga protektor nito.
Wika pa ni Pimentel, dapat sibakin ni Calderon ang mga field commanders na mabibigong mapahinto ang jueteng operations sa kanilang hurisdisyon lalo na kung ito mismo ang kumukunsinti at nagbibigay ng proteksyon sa nasabing illegal na sugal. (Rudy Andal)