Daan-daang miyembro ng Aksa at transport group ang sumama sa pagdadala sa huling hantungan kay Paler sa Sarhento Mariano cemetery sa Pinagbarilan, Pasay City. Si Paler ang pangulo ng Samahan ng mga Operator-Drivers ng Jeepney Biyaheng Evangelista Libertad Inc. (SODJEBEL). Siya din ang transport leader ng grupong Aksa sa Makati City.
Matatandaan na si Paler ay binaril at napatay noong Aug. 22 habang pumapasada. Naniniwala ang Sodjebel members na ang pagpatay kay Paler ay resulta ng kanilang matinding kampanya laban sa mga kolorum na jeepney drivers.
Iginiit ng Aksa na ang kanilang ginawang martsa ay bilang tanda ng kanilang paghingi ng hustisya sa pagkamatay ni Paler na hanggang sa ngayon ay hindi pa natutukoy ang taong nasa likod ng pagpatay dito
Ayon kay Timoteo Aranjuez, AkSa chair at President of Congress of Labor Organizations, ang pagpatay kay Paler ay senyales na hindi lamang ang mga extreme activists ang biktima ng extra judicial killings.
Lumilitaw din na ang ilang miyembro ng Sodjebel ay nakararanas din ng pananakot ng mga communist guerillas. Aniya ang pumatay kay Paler ay handang pumatay ng walang dahilan at pangunahing kalaban ng publiko. "They are the true menace to society," ani Aranjuez
Tiniyak din ng grupo na hindi sila titigil hanggat hindi nalulutas ng kapulisan ang pagmamaslang kay Paler.