Ayon kay Sen. Villar, marami pa ang dapat na gawin para mapigilan ang pagkalat ng mga langis sa karagatan na tinatantyang aabot sa mga karatig na lalawigan at sa bahagi naman ng pamahalaang nasyunal, dapat na magkaroon ng sapat na pondo para magamit dito.
"On the part of the national government, we should provide funds particularly for helping the affected residents and communities in Guimaras and nearby areas get back on their feet, especially the fishermen who have lost their primary source of livelihood because of the oil spill", wika ni Villar.
Isusulong naman ni Sen. Edgardo Angara, ang pagpasa ng oil spill liability fund, para wala ng problema sakaling magkaroon pa ng parehong sakuna.
Sinabi ni Sen. Angara, na bagamat kabilang ang Pilipinas sa mga lumagda sa International Convention on Civil Liability for Oil Pollution Damage o 1969 Liability convention at International Convention for Oil Pollution Damage at niratepekahan ng Senado noong 1997, wala naman umiiral na batas para dito.
Ayon kay Angara, malaki ang naging epekto ng oil spill at nawasak nito ang buong baybayin ng Panay, Negros, at Visayan Sea, mga lugar na mayaman sa isda at iba pang likas na yaman ng karagatan, na siyang pangunahing pinagkakakitaan ng mga residente doon. (Rudy Andal)