Cayetano Pinagso-Sorry: FG walang $ account sa Germany

Muling hiningi ni First Gentleman Mike Arroyo kay Taguig-Pateros Rep. Allan Cayetao na humingi ng public apology hindi lang sa kanya kundi sa sambayanang Pilipino dahil sa tangkang panloloko niya sa publiko.

Sa isang press statement, sinabi ng First Gentleman na nakakuha na siya ng sertipikasyon mula sa bankong HypoVereinsbank ng Munich na nagsasabing wala siyang account doon at wala rin silang account na may numerong 87-570-23030-32100-62771571 na sinasabi ni Cayetano na multi-million dollar account ng pamilya Arroyo sa Germany.

Nakasaad pa rin sa sertipikasyon na may petsang Agosto 25 at pirmado ni bank vice-president Peter Reisner at general secretariat head Evi Vollman na wala silang deposito sa pangalan ni Jose Miguel Arroyo.

Sa isang pulong sa mga opisyal ng bangko, sinabi rin ng mga ito na ang accout number na ibinigay ni Cayetano ay hindi tugma sa kanilang sistema ng pagbibigay ng account number.

"Congressman Cayetano did not go with me to Munich because the account number is clearly a manufactured and a brazen lie. Congressman Cayetano, you can no longer fool the people. I am bringing home the truth so that the people will know that you are peddling lies and manufacturing evidence," pahayag ng Unang Ginoo.

Sinabi ni First Gentleman na may kasama siyang miyembro ng media sa pagpunta niya sa Germany para alamin ang katotohanan ng bintang ni Cayetano. (Lilia Tolentino)

Show comments