Congressman, ‘patay na patay’ sa anchorwoman

Pinagtsitsismisan ngayon sa apat na sulok ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang Congressman na "nagmumurang kamias" at nanliligaw umano sa anchorwoman ng isang sikat na TV station.

Ayon sa source, palaging umiistambay si Congressman sa restaurant ng sikat na anchorwoman at madalas itong magparamdam sa babae.

Pareho naman umanong hiwalay sa kani-kanilang asawa ang dalawa kaya walang problema kung sila ay magkakagustuhan.

Sa dinami-dami ng mga restaurant sa Metro Manila, mas pinipili umano ni Congressman na sa resto ng anchorwoman kumain upang iparamdam na type niya ang babae.

Kilalang generous si Congressman lalo na sa mga nagiging girlfriends nito.

Pero discreet si Cong sa pakikipagrelasyon dahil kahit may naging girlfriend itong dating sexy star, hindi ito lumabas sa mga pahayagan.

Lapitin din ito ng ilang taga-showbiz na nagkakaroon ng "financial problem" kasi nga ay galante.

Si anchorwoman naman ay sexy, medyo morena at siyempre palaging nakikita sa telebisyon.

Katulad ng karaniwang nanliligaw, hindi pa sigurado si Congressman na sasagutin siya ni anchorwoman lalo na’t medyo malayo ang agwat ng kanilang... timbang.

Nangangamba lang ang source na lalong madagdagan ang timbang ni Cong. lalo na’t napapadalas ang kain nito sa restaurant ni anchorwoman.

Si Cong. ay hindi nagmula sa Metro Manila pero sikat din naman ito. May initial siyang P. as in "Palaging in-love."

Show comments