Ayon kay Office of Civil Defense Deputy Administrator Dr. Anthony Golez, may 200 ring doktor mula sa Armed Forces Reserve Command ang idedeploy sa mga evacuation centers sa lugar.
Nabatid na ang tatlong mobile hospital na nagkakalahaga ng $8-M ay may sariling operating room at may kapasidad na gumamit ng 50 pasyente bawat isa.
Ang mga mobile hospital ay donasyon ng US noong huling bahagi ng 2004 matapos ang landslides sa General Nakara, Infanta at Real pawang sa lalawigan ng Quezon na kumitil ng mahigit 1,000 katao.
"These (mini-hospitals) were never used in Quezon since they arrived when we were in the rehabilitation phase," ayon kay Golez. (Joy Cantos)