Mantaring bagong NBI chief

Pormal nang inanunsiyo kahapon ng Malacañang ang pag-upo bilang permanenteng director ng National Bureau of Investigation (NBI) ni Atty. Nestor Mantaring kapalit ng yumaong si Reynaldo Wycoco.

Sa pagkakahirang kay Mantaring ay nabura ang mga espekulasyon na isang "outsider" ang hihirangin ni Pangulong Arroyo sa pangunguna nina dating Manila Police District Director ret. C/Supt. Pedro Bulaong at ex-PNP chief, Director Gen. Arturo Lomibao.

Nababalita naman na uupo si Bulaong sa isa sa mataas na puwesto sa NBI, subalit nagpahiwatig ang ilang opisyal na haharangin nila ang "appointment" nito.

Si Mantaring ay humigit 35 taon nang naninilbihan sa NBI na nagsimula sa mababang posisyon bilang casual employee noong 1968. Pang-anim na si Mantaring na naging director ng NBI na mula sa loob ng ahensiya. (Danilo Garcia/Grace dela Cruz/Lilia Tolentino)

Show comments