Hindi pa tinukoy ni Army spokesman Major Ernesto Torres Jr. ang pangalan ng limang sugatang sundalo na kasalukuyang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH).
Kasabay nito, kinondena ni Brig. Gen. Arsenio Arugay, Commanding General ng 9th Infantry Division (ID) at Task Force Mayon Chief ang nasabing pag-atake.
"Hindi na nga sila nakakatulong, nakakaperwisyo pa," sabi ni Arugay kasabay ng pag-alerto sa tropa ng pamahalaan laban sa posible pang pagsasamantala ng mga rebeldeng komunista.
Sinabi ni Torres na gumamit ang mga rebelde ng grenade launchers at automatic rifles sa pangha-harass sa naturang detachment. Anya, ang pag-atake ay patunay lamang ng tunay na kulay sa pagiging terorista ng mga ito.
Nagkaroon ng 10 minutong putukan bago nagsiatras ang mga rebelde bitbit ang mga sugatang kasamahan. (Joy Cantos At Ed Casulla)