Sa 2-pahinang resolusyon ng SC en banc, bumuo ng investigating body ito na pamumunuan ni dating SC Associate Justice Bernardo Pardo para imbestigahan ang reklamo laban kay CA Associate Justice Eliv John Asuncion.
Inaasahang tatapusin ng binuong komite sa loob ng 90 araw ang pagsusumite ng rekomendasyon sa Supreme Court hinggil sa reklamo sa mahistrado.
Sa anonymous letter na ipinadala sa High Tribunal noong Pebrero 17, inakusahan nito si Asuncion ng katiwalian at hindi pag-aksyon sa mga kasong hinahawakan nito.
Iniutos din ng SC kay CA presiding Justice Ruben Reyes ang pagbuo ng komite na magrerekomenda kung paano reresolbahin ang mga nakabinbing kaso sa Appelate Court. (Ludy Bermudo)