Ito ang naging pasya ng Ombudsman matapos malaman na sinuri din ng nasabing komite ang mga ACMs matapos na sertipikahan ito ng Department of Science and Technology (DOST) hinggil sa kahusayan at kapabilidad nito.
Kabilang sa inaasahang dadalo sa pagdinig sa Ombudsman ay sina Sen. Edgardo Angara, dating Tarlac Rep. at ngayon ay DepED Sec. Jesli Lapus, DOST Sec. Estrella Alabastro at Comelec chairman Benjamin Abalos.
Magugunita na inatasan ng Korte Suprema ang Ombudsman na siyasatin ang pinasok na kontrata ng Commission on Elections (Comelec) sa Mega Pacific Consortium upang alamin kung may dapat panagutang kasong kriminal ang mga opisyal ng Comelec at mga pribadong indibidwal na nasangkot sa naturang kontrata.
Aalamin din ng Ombudsman kung ang mga counting machines na binili ng Comelec at ngayoy kinakain na lamang ng alikabok sa bodegang pinag-imbakan nito ay puwedeng gamitin sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.
Nauna rito, tumibay ang paniniwala ng Mega Pacific na mapapakinabangan ang kanilang ibinentang counting machines makaraang ihayag mismo ng Malacañang na kanilang susuportahan ang paggamit sa naturang mga makina sa oras na irekomenda ito ng Ombudsman.
Mismong si Executive Sec. Eduardo Ermita at Presidential Chief of Staff Mike Defensor ang naghayag na handa silang i-endorso ang agarang implementasyon ng modernization ng eleksyon sa susunod na taon makaraang sertipikahan ng DOST ang kapabilidad ng ACMs ng Mega Pacific.
Tutol naman dito ang mga oposisyon sa Senado dahil maliwanag na isang "whitewash sa kasong kinakaharap ng mga Comelec officials sa Ombudsman ito. (Angie dela Cruz)