GMA balik Malacañang

Nakabalik na sa Palasyo si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo matapos pahintulutang makaalis na sa St. Lukes Medical Center kahapon ng umaga.

Si Pangulong Arroyo ay pinalabas na sa pagamutan dakong alas-9:30 ng umaga at dumating sa Palasyo ng Malacañang bandang alas-10 kasama ang kaniyang mga doktor.

Pinahintulutan ang Pangulo na makauwi na sa Palasyo matapos makita ng mga manggagamot na nanumbalik na sa normal ang kaniyang temperatura at masigla na matapos magkasakit ng trangkaso.

Pinayuhan din ng mga doktor ang Pangulo na iwasan muna ang sagad-sagad na aktibidad para makaiwas sa binat.

Hinamon naman ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos ang Palasyo na ipalabas sa publiko ang medical record ni Pangulong Arroyo dahilan nakababahala na umano ang dalawang beses nitong pagkaka-ospital.

Magugunita na ang Pangulo ay naipasok na din sa ospital noong Hunyo 22 dahilan sa LBM. (Lilia Tolentino/ Malou Rongalerios )

Show comments