Sinabi ni PETCOA chairman of the board Bernard Chang, walang kutsabahang nagaganap sa pagitan ng DOTC, LTO chief Lontoc at maayos silang nakapag-operate dahil tinutupad nila ang mga batas at alituntunin ng emission program ng pamahalaan.
Nagkapit bisig din ang PETCOA at mga miembro nito sa pagitan ng DOTC -LTO na susubaybayan nila ang kanilang hanay upang matamo ang layunin ng Clean Air Act ng pamahalaan.
Nilinaw nito na ang isang center na kabilang sa kanilang samahan ay pawang may accreditation mula sa Dept of Trade and Industry (DTI) at may authorization mula sa DOTC /LTO matapos makapasa sa mga requirements ng mga ahensiya hinggil sa pagpapatakbo ng center.
Kinondena din ng PETCOA si Cookie Locsin, owner ng Wealth emission test center sa Malabon dahil sa pagpapakalat ng maling balita gayung siya ay nag-ooperate ng walang authorization sa LTO.
Hinahadlangan din ng grupo nito ang pagpapatupad ng LTO-IT-PETC interconnectivity dahil kapag naipatupad na ang naturang programa, hindi na makakapag operate ang mga walang LTO authorization. (Angie dela Cruz)