Inamin ni Aquino kay US District Court Judge William Walls na tumanggap siya ng mga classified documents mula kay Leandro Aragoncillo, isang naturalized US citizen na Pinoy at naglilingkod bilang FBI intelligence analyst na nakabase sa Fort Monmouth.
Malaki ang paniniwala ni Sen. Panfilo Lacson na wala ng masasangkot na personalidad sa Pilipinas kaugnay sa espionage case ni Aquino sa Estados Unidos matapos aminin nito na tumatanggap siya at nagtatago ng mga classified documents mula kay Aragoncillo.
Mula sa kasong espionage ay naging illegal na pag-iingat at pagtanggap ng mga classified US documents ang hinaharap ni Aquino at nakatakda siyang sentensiyahan sa darating na October 30.
Iginiit ni Aquino sa korte na tumatanggap siya ng mga classified documents mula kay Aragoncillo na dating naglingkod din sa tanggapan ni US Vice-President Dick Cheeney at dating US Vice-Pres. Al Gore sa White House.
Sa pananaw naman ni US Attorney Christopher J. Christie, iniligtas lamang ni Aquino ang mga matataas na personalidad sa Pilipinas kaya umamin ito ng guilty sa kasong illegal na pag-iingat ng classified document.
"He (Aquino) did this at the behest of a high-level government officials in the Philippine legislature. We view that as a grave intrusion on the integrity of our national security and we will seek the longest prison term possible for Aquino," wika pa ni Atty. Christie.
Naunang umamin sa kasong espionage si Aragoncillo noong Mayo at posibleng makulong ito ng 15 hanggang 20 taon habang si Aquino ay posibleng makulong na lamang ng 3 hanggang 6 na taon sa kasong pag-iingat ng classified US documents.
Tumakas si Aquino kasama ang isa pang kasamahan sa dating PAOCTF na si Supt. Cesar Mancao noong 2001 patungong US makaraang isangkot ang mga ito sa pagpatay sa PR man na si Bobby Dacer at driver nitong si Manuel Corbito. (Ellen Fernando At Rudy Andal)