Bagyong Glenda hataw pa rin

Patuloy sa paglakas ang bagyong si Glenda at patuloy itong nananalasa sa bansa dala ang malakas na hanging umaabot sa 150 kilometro bawat oras hanggang 180 kilometro bawat oras.

Sa latest monitoring ng PAG-ASA, ang bagyo ay nasa layong 270 kilometro sa Hilaga-Hilagang Kanluran ng Basco, Batanes ngayong Martes ng umaga.

Nakataas ang signal no. 3 sa Batanes at signal no. 2 naman sa Northern Cagayan Valley kasama ang Babuyan island, Apayao at Ilocos Norte.

Signal no. 1 naman sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Ilocos Sur, Kalinga, Abra, Mt. Province, Benguet, Ifugao, Isabela, La Union, Pangasinan, Zambales at Bataan.

Makakaranas pa rin ng malakas na pag-ulan at hangin ang Metro Manila. (Angie dela Cruz)

Show comments