Sa liham ni Cookie Locsin at 19 pang mga may-ari ng emission testing center sa bansa kay DoTC Sec. Leandro Mendoza, kinukuwestiyon nila ang kautusan na ipinalabas ng DoTC noong July 14, 2006 na lahat ng PETC na hindi kikilalanin ng lahat ng ahensiya ng Land Transportation Office (LTO) sa bansa kung hindi interconnected ang kanilang sistema.
Sinabi pa nito na noong January 2005 hanggang June 2005, ang mga Certificate of Emission Compliance (CEC) forms ay sinimulang ibinenta ng P3 bawat forms gayung ito ay P1.26 sentimo.
Wala umanong karapatan na bilhin at lagyan ng patong sa presyo ang CEC forms upang pagkakitaan lamang ng pribadong kumpanya o grupo tulad ng mga opisyales at miyembro ng PETCOA na pinamumunuan ni Tony Halili.Maging umano ang non-government organization na "Sagip Kalikasan" ay nagbebenta din ng CEC forms na dapat ay sa DoTC lamang ito mabibili sa pangambang pekein.
Nangangamba ang 19 mga may-ari ng emission testing centers na tuluyang imanipula ang negosyo ng emission testing centers at maging talamak ang iregularidad sa industriya ng transportasyon.