Sa isinumiteng motion for reconsideration ni Judge Clarence Villanueva ng Baguio City Regional Trial Court (RTC), hiniling nito sa SC na bawiin ang unang desisyon noong Hunyo 26, 2006 na sinisibak siya sa puwesto.
Sa rekod ng korte, isinumbong ni Judge Ruben Ayson sa SC si Judge Villanueva dahil sa umanoy imoral nitong relasyon sa isang babae kung saan nagkaanak pa ito ng dalawa.
Gayunman, iginiiit ni Villanueva na hindi niya kilala ang nasabing babae at itinangging mga anak nito ang dalawang bata.
Iginiit pa nito na hindi umano dapat tanggapin ang mga isinumiteng dokumento ni Judge Ayson dahil hindi ito authenticated.
Hirit pa ni Villanueva, masyadong naging malupit ang kaparusahang ipinataw sa kanya gayong sa loob ng 20 taon niyang serbisyo sa gobyerno ay ngayon lamang may nagreklamo sa kanya.
Maliban dito, kung hindi anya babaguhin ng SC ang sentensiya laban sa kanya ay higit na magdurusa ang kanyang asawa at anim na mga anak. (Grace dela Cruz)